Bilang taal na taga Quezon, ang itinuturing na sentro ng makakaliwang rebolusyonaryong mapagpalaya...hindi nalingid sa aking kamalayan ang samut-saring isyung pambayan. Rebulosyon...rebolusyon..rebolusyon.
Paulit-ulit mong maririnig o mababasa ang mga ito. Naging bahagi ng kulturang sa simula ay nagpapaapoy sa damdamin ng bawat maralita at maprinsipyong kadre...na sa katagalan...sa paulit-ulit na paggamit ng kataga...nawawala ang katuturan..ang kahulugan..ang espiritu ng pakikipaglaban.
Marami ang magsasabing ang gaya namin na di tumuran sa panawagan ay mga imbing traydor sa naghihirap na lipunan. Walang makakaunawang nawala lamang sa amin ang espiritu nito. Nawala ang init...naglaho..nagsawa. Napagod na marahil na maging ang isipin ang kahapon at bukas ay di na magawa...sapagkat nakapako ang diwa sa kung ano ang mayroon at wala sa ngayon...at pinagsusumikapang itawid ang buhay...sa simpleng pangako ng sarili sa kanyang sarili.
Marahil nga ay nawala ako...naligaw..napalayo., pero may dahilan...madami...malaki..totoo.
Sa gitna ng mga labang bumasag sa katahimikan at gumahasa sa kabaitan ng aking pagkabata, pinili kong manindigan at itayo ang bandera ng aking sariling rebolusyon. Rebolusyong walang armas, walang partido, walang bibliya ng ideolohiyang nagpasalin-salin sa mga pinagsangang dila ng mga nagmamarunong. Ang rebolusyon ko ay sa aking sarili..na sa aking paniniwala ay maaring magkaroon ng sariling pakikipag-isa sa mga kagaya kong binigo ng mga pangako ng bala at doktrina.
Basag ang lipunan ng kahapon..na imbis buuin ay paulit-ulit pang minaso ng mga paksyong tila baga nag-uumpugang bato...kung kayat ang salamin ng ating kinabukasan na pinaglamatan ng panahon...ay durog-durog na ngayon. Anupat ang kanilang wika at adhikain ay itulot sa atin ang lipunang may katuturan, hustisya at katwiran...paano at kelan?
Paano magkakaroon ng hustisya kung ang bawat paksyon ay may sariling depinisyon nito..na kung dati ang hustisya ay para sa mayaman..ngayon ay para sa magkakampi lamang.?
Ano pa ang katuturan ng mga saloobing tila baga isinabog na sukal sa karagatan...kung ang mga dapat nakikinig ay mga bingi na rin sa boses ng karaingan?
Saan mo makikita ang katwiran..sa mga grupong nag-uudyok ng digmaan, sa pamahalaang ganid ang sandigan, sa mga mamamayang napagod makialam.?
Pinagsamantalahan na ng rebolusyon ang aking katinuan. Pinilit kong tumakas at namuhay sa bahagi ng kawalan. Pero eto...tila baga may baga na nakapaso sa matagal ng nagyeyelo kong pakiramdam...di ko alam kung bakit...di ko alam kung paano nangyari...basta ang alam ko...
magbabalik ang sisiw ng dekada 90...at pangako....gigisingin ko ang aking hanay...upang ipagpatuloy ang aking rebolusyon...ang aming rebolusyon...
Sisikapin namin ibalik si Nora Aunor mula sa Amerika at patutunayang namin sya lang ang totoong Superstar ng musika at pelikula, nang sa gayon ay baka sakaling manumbalik din ang galing ni Kuya Germs at muling gawin ang That's Entertainment...mabuhay ang tuesday group ni Manilyn Reynes!
Ipagpipilitan naming bumalik si Robert Jaworski na coach ng Ginebra para mapahiya muli ang Alaska, at ng sa gayon makagawa muli ng kanta si Gary Granada!
Mananawagan kami ng panibagong concert ng Eraserhead at titiyakin namin na may nakakabit ng makina kay Ely Buendia para sumpungin man sya naka First Aid na..tuloy na tuloy na talaga.
Mag papa battle of the bands kami kasama ang teeth, yano, grindep, color it red.
Mananawagan kaming ibalik ang dating kampeon...ang manok ni san pedro, kwarta o kahon.
Ipaglalaban naming mabalik ang beto beto at color game sa mga carnival ngayon.
Rebolusyon ng mga Jologs...Nandito na. Hehehehe. Sali ka!!!
Tags:
Share
You need to be a member of CaNdELaRiAnS to add comments!
Join this Ning Network