Mas matimbang ang dugo....mga katagang tumutukoy sa kung paano at gaano masusukat ang samahan at pagmamahalan ng isang pamilya sa kapwa kapamilya. Gasgas na para sa iba ang katagang ito pero sa mas nakararami...hindi maitatanggi ang katotohanang sa ating mga pinoy..wala nang tototoo maliban dito.
Sinulat ko ito di para sukatin kung ano at paano tinitimbang ang damdamin ng magkakapamilya. Manapay sinulat ko ito upang alamin o isangguni sa kalahatan kung paano mo bibigyang katwiran ang salitang pamilya at kung maituturing bang pamilya ang mga kaibigan. Alam na marahil ng lahat ng pamilya ay kadugo, kalaman...tatay..nanay..kuya..ate..pinsan..lolo..lola..impo..sangko..sanse..aleng..adeng..at kung ano ano pang taguri sa direkta o di tuwirang karelasyong lahi ang batayan.
Masasabi din nating pamilya ang asawa...anak. Anupat ang anak ay dugo't laman kung kaya't walang kurap matang tatanggapin ito ay pamilya. Subalit ano ang Asawa. Anak ng iba...di mo kadugo..maaring di mo kauri..pero bakit kung ituring ay pamilya.
Sa lipunang ng mga ipokrito...ang asawa ay yaong ang pagsasama ay binasbasan ng langit mula sa winisik na tubig ng paring nagwiwikang ang pinagsama ng langit ay di mapaghihiwalay ng tao (at 30% sa mga tinamaan ng tubig na ito ay mga naghiwalay bago pa man malaman ang tunay na kahulugan ng kasal). Lipunang kumikilala ng higit sa kapirasong papel na may lagda ng kasunduang halos ang karamihan ay inayunan sa araw ng kasal lamang at pagkatapos ay parang mga pangakong ibinato sa langit ng kawalan.
Sa madaling salita...ang asawa ay produkto ng ipokritong lipunang pinagbuklod ang dalawang tao para mangako ng walang kaparakan sa kabila ng katotohanang ang kanyang ipinangako ay siya nyang pangunahing kahinaan.
Wag sanang isiping di ako pabor sa kasal. Sa lipunan ng mga ipokrito..kahit di ka pabor..kailan mo ang maging praktikal.
Ngayon..dadako ako sa tunay na tumbokin ng aking sanaysay. Ang asawa ay di kadugo pero di kapamilya. Ang asawa na sinasabing asawa kung may kasulutang nagpapatunay ng inyong pag-iisa. Pero paano ang mga nagsasamang mas minabuting huwag ikompromiso ang sariling katinuan sa ipokritong lipunang gustong ibigkis sila, matatawag din bang ang isat'-isa sa kanila na pamilya? At kung magkagayon...masasabi din bang mas matimbang ang dugo?
May mga sitwasyon sa isang pagsasama ng dalawang nagkasundong mamuhay ng magkaisa-ang humarap sa mga pagsubok. Inaalam marahil ng pagkakataon ang katibayan ng loob at damdamin ng bawat isa kaalinsabay ng pagsukat ng lalim ng pag-ibig. Mga pagsubok na lumulumpo sa katinuan, pumapagal sa katawan, tumitikis ng damdamin o pumapatay ng pagkatao. Sa lahat ng ito...mas nakatutuwang isiping sa bawat unos na dumating..at sumikat ang araw...lahat ay sumasang-ayon sa dulot nitong pag-asa ng mas maliwanag at mas maaliwalas na bukas.
Subalit paano kung sa kalagitnaan ng unos ay mga nagsalimbayang hagupit ng ibat-ibang hangin ang sa inyo'y sumalubong. Mga hanging imbis na pagbuklurin ay pilit kayong paghiwalayin..wasakin ang inyong pagsasama..pahinain ang pundasyon ng inyong pagmamahalan..
Paano kung ang hanging ito ay ang iyong mga kaibigan? Paano mo matatanggihan sumabay sa hampas ng hangin at magpadala kung san man ito gumawi? Paano kung ang direksyon nito ay lihis sa dapat nitong puntahan...magpapatuloy ka pa ba? Paano kung ang kapalit ng iyong pagpapatuloy ay kamatayan ng mga pusong dati na sa hirap at ginhawa ay di nag-iwanan...kakayanin mo ba? Isusugal mo ba ang buhay mo sa maaaring idulot sa yo ng bagong ruta kesa sa nakasanayan mo na?
Kung magkagayon...Marahil nga...di kayo magkapamilya. Di sya kapamilya. Di rin ikaw. Maaring magkasama lang kayo.
Pero wika nga ng isang kakilala ko..ang kaibigan nandyan para dumamay...di para pumatay ng pagsasama. Nandyan para magbigay lakas...di para samantalahin ang kahinaan. At higit sa lahat, ang kaibigan...nandyan para ayusin ang gulo sa isang samahan...hindi para wasakin. Kaya nga ang kaibigan ay kaibigan..parang kapamilya pero di talaga...Kaibigan lang. Hanggang dun ang hangganan nya.
Ang kaibigan ay sandalan pero hindi sandigan...Sila ang takbuhan pero di ang patutunguhan... Sila ang kadamay..kasakay..katawanan..kaharutan...kakiligan...kakwentuhan..kasayahan....pero di sila ang buhay.
San ka? Sa kaibigan o sa kapamilya? Pwede namang wag mamili...kasi parehong mahalaga. Pero kung mamimili ka...sa sigurado ka...wag sa sigurista. (nasaan sila ng mga panahong naghihirap ka.?)
Tags:
Share
You need to be a member of CaNdELaRiAnS to add comments!
Join this Ning Network