Labinlimang taon na ako dito sa Maynila. Paminsan-minsan umuuwi ako ng bayan natin upang pasyalan ang aking mga kamag-anak at kaibigan. Bagamat nilamon na ng lungsod ang malaking bahagi ng aking katinuan..di pa rin maitatangging ako'y isang candelariahin lalo na pagdating sa pagkain.
Marahil marami sa makababasa nito na kasalukuyang nasa atin ang magugutom at baka hanapin agad..tikman..lasapin. At kung nasa malayo naman ay magkakasya na lamang sa pag-iisip habang tumutulo ang laway...Heto ang ilang mga putahe na natatanging candelariahin.
1. Habhab - bagamat galing ng lucban (na mas kilala bilang pancit lucban), sa atin kinakain sa dahon at hinahabhab pagkatapos taktakan ng sukang may babad na bawang, sili, paminta at sibuyas. Mas masarap kung medyo mainit pa at ang halo ay hibe at sayote. Sarap.
2. Karioka - giniling na balinghoy na binilog, ipinaikot sa sangkakang tunaw at saka ipinirito..tapos tutuhugin sa stick. Sa elementary lang meron nito.
3. Buden - cassava cake na bilog na hinurno mula sa giniling na balinghoy at asuka na may konting keso sa ibabaw. kadalasang may foil ang ilalim pero nitong nakaraang mga panahon..nakabalot na lang sa plastic..nagtipid.
4. Nilupak - dati ang nilupak ay saging na saba na pagkalabon ay binayo ng binayo, nilalagyan ng mantikilya, asukal at gatas..presto nilupak..masarap kainin sa dahon ng saging. Nauso din ang commercialized na nilupak pero ang gamit balinghoy..binayo o giniling..me asukal at gatas at ang ibabaw sandamukal na keso..ikinakahon at presto ..negosyo.
5. Nilupak ulet - balinghoy na giniling at inilatag sa tray at sa ibabaw ay may arnibal.
6. Binayong Hipon - tuyong hipon na binayo ng pinong pino na masarap kainin pag pinisilan mo ng kalamansi...katalo na.
7. Tahure - tokwang maalat na babad sa toyo at asin..masarap igisa sa kamatis at sibuyas...tumba ang kaning lamig.
8. Sinantomas - buto buto ng baboy na niluto sa catsup, liver spread, giniling na pickles, tomato sauce..at nilalagyan ng sili..pinaglabang menudong buto-buto at kalderatang may halang...wala yatang bahay pag fiesta ang nakalilimot lutuin ito...masarap ulamin...at mabuhay ang mga manginginom.
9. Champene - patay ang mga asong gala...sa kaldereta style cooking ...ng aso.
10. Patabol - minatamis na (giniling na bigas) na me gata. malalaking flat na bilog na nakalutang sa matamis na gata.
11. Pansit Miki - masarap na almusal..mabibili sa palengke..ibabalot sa dahon naka balisuso sa dyaryo. me budbod pa ng chicharong taba sa ibabaw.
12. Lumpiang gulay - na pinaghalo-halong gulay na may napakatamis na sauce at lalagyan ng dinurog na bawang...nyarap
13. Keleroy - bigas na niluto sa gata at asukal na me kasamang dinurog na monggong sunog.
Madami pa yan...kung sino mang makababasa nito...dalawa lang pwede nyo gawin...dagdagan ang listing ko o magpadala ng sample sa akin...lalantakan ko yan sigurado. hehehe.
P.S. try nyo rin pala ang Special Tikoy ni Mrs Dimaunahan ng Academy-gumagawa sya pagpapasko...grabe sa sarap...libre sa plugging. hehehe.
Tags:
Share
You need to be a member of CaNdELaRiAnS to add comments!
Join this Ning Network